Yap kinasuhan ng graft
MANILA, Philippines - Ipinagharap kahapon ng kasong paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act sa Ombudsman si Department of Agriculture Secretary Arthur Yap kaugnay sa planong pagbili ng National Agribusiness Corporation ng overpriced ice making na nagkakahalaga ng P456 milyon na dumaan umano sa maanomalyang proseso ng bidding.
Nauna nang kinasuhan sa Ombudsman ni Allan Ragasa ng 1937-A Leveriza St., Pasay City, pangulo ng NABCOR, si Allan Javellana at mga miyembro ng Bids and awards na sina Romulo Relevo, Dennis Lozada; Winston Azucena; Melody de Guzman at Encarnita-Cristina Munsod. Sinabi ni Ragasa na isinama niya si Yap sa kaso dahil nasa ilalim ng responsibilidad nito ang NABCOR.
Kinasuhan din ni Ragasa ang sinasabing nanalo sa bidding, ang IRSSI (dating Triple 8 Agro Trading, Inc.).
Sa isang pulong balitaan sa isang kainan sa Quezon City, ibinunyag naman ni Ragasa na tinawagan siya ni Yap at pinakiusapan na huwag nang palakihin ang kaso at ayusin na lamang ito. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending