^

Bansa

Bulalakaw uulan

-

MANILA, Philippines - Kung may nais hili­ngin, kailangan nang maghanda ang sinuman ng kanilang naisin o hiling dahil uulan ng bulalakaw ngayong Martes, Nob­yembre 17, at Miyerkules, Nobyembre 18 sa Asya kasama na ang Pilipinas gayundin sa Europa.     

Sa Pilipinas, makikita ito ng mga taga-Luzon particular ng mga taga Metro Manila pero hindi makikita ng mga taga-Visayas at Mindanao dahil makakaranas dito ng mga pag uulan bunsod ng epekto ng intertropical convergence zone.      

Sinabi ni Director Prisco Nilo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration na ang pag ulan ng mga bulala­kaw na kilala sa tawag na “Leonids” ay makikita sa pagitan ng alas-11:00 ng gabi ng Martes hanggang alas-6:00 ng umaga ng Miyerkules.    

Anya aabutin ng 100 bulalakaw kada oras ang makikita sa kalangitan at mistulang nag-aapoy na maliliit na bola at unti un­ting matutunaw habang bumabagsak pababa mula sa kalawakan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANYA

ASYA

CRUZ

DIRECTOR PRISCO NILO

LUZON

METRO MANILA

MIYERKULES

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICE ADMINISTRATION

SA PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with