Customs broker ibinuko
MANILA, Philippines - Ipinaabot ng isang grupo ng lehitimong Customs brokers ang kanilang hinaing ukol sa isang broker na gumagamit diumano ng mga pekeng kumpanya sa kanyang mga illegal activities.
Kinuwestiyon din ang status ng kapwa nila broker bilang taxpayer matapos mapag-alamang idineklara nito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na siya ay isang “jobless.”
Ibinulgar pa ng mga brokers ang “unexplained wealth” ng hindi pinangalanang Customs broker na dating lokal na opisyal ng isang lalawigan.
Kabilang sa mga sinasabing “yaman” nito ang isang cable TV company, Hotel Resort, 12-hectare farm, mga bahay at lupa at mga mamahaling sasakyan. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending



















