Flu testing nilinaw
MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Department of Health na noong nakaraang taon pa nila iniimbestigahan ang umanoy anomalya sa flu-testing machine na ibinunyag ng isang labor group.
Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na hindi umano totoo na wala silang alam sa nasabing usapin dahil simula pa lamang noong Agosto ng nakaraang taon ay inimbestigahan na nila ito nang magreklamo ang kumpanyang Macare na pag aari din ng isang Pilipino tungkol dito.
Nilinaw pa ng kalihim na iniimbestigahan na nila ang Research Institute for Tropical Medicine at lahat ng opisyal at personnel nito kabilang na dito ang director na si Dr. Remigio Olveda na siyang sangkot sa pagbili ng nasabing flu-testing machines.
Ang flu-testing machines na kahalintuald ng ginagamit ng RITM at tatlo pang laboratoryo mula sa Roches ay ginagamit sa pagkumpirma ng isang taong pinaghihinalaang nagtataglay ng A H1N1 virus. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending