^

Bansa

BOC chief masisibak

-

MANILA, Philippines - Dahil sa problema at bagsak na buwis sa Bureau of Customs, maaring matanggal sa puwesto si Customs Commissioner Boy Morales.

Ito ang sinabi ni House Oversight Committee Chairman at Rep. Danilo Suarez na nagdiing dapat nang magbitiw sa tungkulin si Morales tulad ng ginawa ni BIR Commissioner Sixto Esquivias IV, na kusang umalis sa puwesto matapos hindi makuha ang target revenue collection.

Sinabi ni Suarez kailangan humarap si Morales sa Attrition Board para linawin kung bakit bagsak ng P28 billion ang short fall ng koleksyon ng kanyang tang­gapan.

Ipinagtataka ni Suarez kung bakit hindi nakuha ng kawanihan ang tamang buwis dahil hindi naman aniya tumigil ang importasyon ng langis sa bansa kaya dapat nakakolekta na ito ng husto. (Butch Quejada)

ATTRITION BOARD

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER SIXTO ESQUIVIAS

CUSTOMS COMMISSIONER BOY MORALES

DAHIL

DANILO SUAREZ

HOUSE OVERSIGHT COMMITTEE CHAIRMAN

IPINAGTATAKA

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with