Mas maigting na ugnayan sa ASEAN parliaments, hirit ni Speaker Dy

MANILA, Philippines — Nanawagan si Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga mambabatas ng ASEAN na patuloy na palakasin ang kooperasyon at ugnayan ng mga parlamento sa rehiyon.
Ginawa ni Dy ang panawagan sa pagbubukas ng ika-47 General Assembly ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA), kasabay ng paggunita sa ika-50 anibersaryo ng ASEAN Treaty of Amity and Cooperation sa Bali, Indonesia.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng tuluy-tuloy na diyalogo at pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mambabatas upang mapanatili ang pagkakaisa sa rehiyon.
Sa sidelines ng pagtitipon, nakipagpulong si Dy sa mga delegasyon mula Vietnam, Singapore, Cambodia at Lao PDR upang talakayin ang pagpapalakas ng ugnayan ng kanilang mga lehislatura at ng Kamara ng Pilipinas.
Kasama ni Dy sa mga bilateral meeting sina Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza. Aniya, tungkulin ng mga parliamentarian na panatilihing buhay ang pagkakaibigan at kooperasyon sa gitna ng pagkakaiba ng pananaw.
- Latest

















