^

Bansa

Libong OFW na nasa iba't ibang piitan, pinatututukan sa DFA

-

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon sa Department of Foreign Affairs ng isang grupo na tumutulong sa mga nagi­gipit na Pilipino sa iba­yong-dagat na imbentar­yuhin ang libu-libong overseas Filipino workers na nagdurusa sa kulu­ngan sa iba’t ibang sulok ng mundo upang mating­nan ang kanilang kalaga­yan at matiyak na mabi­big­yan sila ng proteksyon ng pamahalaan.

Ginawa ng Blas F. Ople Center ang panawa­gan ma­ tapos na isa na namang OFW ang naku­long sa Sau­di Arabia dahil sa ka­song pagdadala ng ilegal na dro­ ga nang wa­lang na­ga­nap na anu­mang court ruling.

Ayon kay Susan Ople, pangulo ng Blas F. Ople Center, ang kaso ng na­sabing Pilipino ay ang ikalawang iniulat nila matapos ang pagkaka­kulong ng OFW na si Jo­nathan “Jojo” Bigas ng may 16 na buwan.

Bukod kay Bigas, hu­mingi din ng tulong sa center ang isa pang mang­gagawang Pilipino na si Jason Pineda, 36, para mabigyan siya ng abogado nang makulong ng isang taon at siyam na buwan dahil din sa drug-related charge nang hindi man lamang nasesentensya­han. (Ellen Fernando)

AYON

BLAS F

BUKOD

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

JASON PINEDA

OPLE CENTER

PILIPINO

SHY

SUSAN OPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with