^

Bansa

NABCOR prexy, 5 pa inasunto

-

MANILA, Philippines - Sinampahan ng isang ne­ gosyante ng kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act sa Office of the Ombudsman ang pangulo ng government-owned National Agribusi­ness Corp. (NABCOR) ka­sama ang limang opisyal ng Bids and Awards Co­mittee (BAC) nito kaugnay ng planong pagbili ng ice ma­king machines na nag­ka­kahalaga ng P456 milyon.

Ayon kay Allan Ragasa ng 1937-A Leveriza St., Pasay City, bibilhin ng NABCOR sa Integrated Refrigeration Systems and Services, Inc. (IRSSI) sa ha­ lagang P4,649,183.67 bawat isa ang 98 units ng ice-making machines ga­yong mabibili lamang ito sa local at international sa ha­lagang P2.3 million per unit.

Ang mga kinasuhan ay sina Allan Javellana, presi­dente ng NABCOR; Ro­mulo Relevo, chairman ng BAC at mga miyembrong sina Dennis Lozada; Winston Azucena; Melody de Guzman at Encarnita-Cristina Munsod.

Isang linggo bago ang bidding, sinabi ni Ragasa na nagulat ang bidders nang maglabas ng supplemental bid bulletin ang BAC na nagre-require sa lahat ng bidders na magsumite ng toxicology test result, hindi sa makina, kundi sa al­cohol solution para mati­yak kung pasado o ligtas ang mga marine products kapag nai-frozen sa pro­duk­tong ini­ lalako ng bidders.

Sumunod sa proseso ang mga bidders ngunit pag­ karaan pa ng dalawang linggo bago makuha ang re­sulta ng eksaminasyon. Gaya ng inaasahan, nabigo ang maraming bidders, maliban sa IRSSI na naka­pagtatakang mayroon na agad dokumento ng “toxicology result”.

Anya, ang pag-aaward ng project sa IRSSI ay ma­aari umanong ikalugi ng gob­yerno. (Butch Quejada)

A LEVERIZA ST.

ALLAN JAVELLANA

ALLAN RAGASA

BIDS AND AWARDS CO

BUTCH QUEJADA

DENNIS LOZADA

ENCARNITA-CRISTINA MUNSOD

INTEGRATED REFRIGERATION SYSTEMS AND SERVICES

NATIONAL AGRIBUSI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with