^

Bansa

Tinatamaan ng Alzheimer's dumarami

-

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng Alzhei­mer’s Disease, isang pa­nukalang batas ang isi­nusulong sa Senado na naglalayong magkaroon ng Alzheimer’s Disease Research Center sa ban­sa para makatulong sa mga taong nagkakaroon ng nasabing karamda­man.

Sa Senate Bill 3473, nakasaad na tinatayang nasa 758.7 milyon ang mga matatanda sa mun­do o iyong may edad na 60 pataas.

Sa pag-aaral ng Al­zheimer’s Disease International sa nabanggit na bi­ lang, may 35.6 milyon ka­tao ang magkakaroon ng Dementia pagdating ng 2010 at inaasahang dodo­ble sa loob ng 20 taon.

Sa South East Asia la­mang na nasa 51.2 milyon ang matatanda, limang porsiyento sa nasabing bilang ang may Dementia at dodoble pa ito sa loob ng 20 taon.

Ang Alzheimer’s disease ay isang disorder kung saan nasisira ang mga cells ng utak. Ito rin ang pangunahing sanhi ng Dementia, isang kon­disyon kung saan unti-unting na­wawala ang me­morya ng isang tao. Apek­tado rin ang iba pang sis­tema ng kata­wan ng isang taong may Alzhei­mer’s.

Sa ngayon ay wala pang lunas na natutuk­lasan para mapigilan ang nasa­bing karamdaman. (Malou Escudero)

ALZHEI

ANG ALZHEIMER

APEK

DAHIL

DISEASE INTERNATIONAL

DISEASE RESEARCH CENTER

MALOU ESCUDERO

SA SENATE BILL

SA SOUTH EAST ASIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with