Maulan sa Undas
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services na maulan ang paggunita sa Undas ngayong taon sa Metro Manila.
Sa isang panayam, sinabi ni PAGASA Director Prisco Nilo na ang pag uulan na mararanasan sa Kalakhang Maynila ay bunsod na rin ng epekto ng isang sama ng panahon na namataan kahapon sa may layong 3,000 kilometro silangan ng Mindanao.
Bukod sa Metro Manila, maaaring maapektuhan din ng mga pag uulan ang Bicol o Central Luzon.
Gayunman, wala pa naman anyang dapat ikabahala ang publiko sa kung ang namataang sama ng panahon ay magiging isa na namang super typhoon.
Kapag naging bagyo, ito ay pang 19 na bagyo na darating sa bansa. Pang 18 si Ramil. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending