US troops pinull-out sa Sulu
MANILA, Philippines - Ipinull-out ng US government ang tropang militar nito sa mga kritikal na lugar sa Sulu matapos na mapatay ang dalawang miyembro nito at pasabugin kahapon ng Abu Sayyaf Group ang isang tulay kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Armed Forces of the PHilippines-Eastern Mindanao Chief Major Gen. Ben Mohammad Dolorfino, inalis ng US ang kanilang tropa, ngunit nangako naman na itutuloy ang proyekto ng mga ito sa bansa.
Aniya, naganap ang pagpapasabog sa tulay dakong alas-10 kamakalawa ng gabi matapos na itanim ito sa Brgy Dayuan, Indanan, Sulu. Sa kabila ng walang nasugatan ay naalarma pa rin ang mga residente sa magkakasunod na pambobomba ng mga rebelde.
Una ng napatay noong Martes ng umaga ang dalawang sundalong Kano na sina Staff Sgt. Jack Daniels at Sgt. First Class Christopher Shaw, kapwa miyembro ng US Navy Seabees Engineers na nagsasagawa ng humanitarian mission gayundin si Marine Pfc. Estrada habang dalawa pa sa tropang gobyerno ang nasugatan dahil sa ‘roadside bombing‘ sa Brgy. Kagay, Indanan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending