^

Bansa

'State of Calamity 'wag samantalahin' - DTI

-

MANILA, Philippines - Nagbabala si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Peter Favila sa mga negosyante na mahuhuling inaabuso at nagtataas ng malaking presyo sa kanilang mga paninda ngayong “state of calamity”.

Ayon sa kalihim, papa­tawan nila ng pinakama­bigat na parusang pagka­kakulong ang mga ma­pagsamantalang negos­yante na walang iniisip kundi ang kumita ng malaki sa pamamagitan ng pag­tataas ng halaga ng kani­lang mga ibinebentang produkto at mga sangkot sa “hoarding”.

Sa ilalim umano ng “state of calamity”, maa­aring magdikta ng presyo ng mga paninda ang DTI sa mga negosyante at ang lalabag ay agad na ka­kasuhan.

Nanawagan ang kali­him sa malalaking negos­yante na gumawa ng makatao at maka-Diyos na hakbang ngayon pana­hon ng kalamidad sa pa­ma­magitan ng pagbibigay ng kaukulang tulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Ondoy sa halip na mag-isip ng pagsasa­mantala. (Danilo Garcia)

AYON

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DIYOS

NAGBABALA

NANAWAGAN

ONDOY

SECRETARY PETER FAVILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with