BMI bigo pa rin sa SuperFerry 9
MANILA, Philippines - Aminado ang Philippine Coast Guard (PCG) na wala pa ring natutukoy na dahilan kung bakit lumubog ang Superferry 9 sa kabila ng ilang araw na pagsasagawa ng imbestigasyon ng Board of Marine Inquiry (BMI) upang mapanagot sa trahedya.
Sa pahayag ni PCG Commandant Admiral Wilfredo Tamayo, wala pa umanong ‘clue’ kaya hindi pa nila masasabi kung ano ang puno’t dulo ng trahedya.
Itutuloy bukas (Martes) ng BMI ang imbestigasyon at pinag-aaralan din ang ulat na may kapabayaan hinggil sa inihabol umanong cargo ng barko na hindi na dumaan sa inspeksiyon,
Inamin din ni Tamayo na malabong maiahon ang barko dahil sa lalim ng pinaglubugan nito. (Ludy Bermudo/Mer Layson)
- Latest
- Trending