^

Bansa

‘Parang awa niyo na’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Parang awa niyo na’
Mary Jane Veloso waves to journalists at the Yogyakarta Class IIB Women's Correctional Institution in Wonosari, Yogyakarta on December 15, 2024.
(Wire photos) | via Agence France-Presse

Pamilya Veloso umapela ng amnesty

MANILA, Philippines — Umapela kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamilya ni Mary Jane Veloso para gawaran na siya ng emnestiya.

Si Veloso ay nakapiit ngayon sa National Correctional for Women matapos na maiuwi dito sa bansa mula sa pagkakakulong sa Indonesia.

Sa isinumiteng petisyon ng pamilya ni Veloso sa Malakanyang, hiniling nila na bago sana ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ay igawad na ang amnestiya kay Mary Jane.

Ayon naman kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi niya sigurado kung nakarating na sa Office of the President ang petisyon ng pamilya Veloso.

Kung wala naman aniyang malalabag na batas ay posibleng magkaroon ng positibong reaksiyon dito ang Pangulo lalo na at ikabubuti ng ating kababayan.

Magugunita na si Veloso ay nahatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia matapos mahulihan ng ilang kilo ng ipinagbabawal na gamot subalit nakaligtas sa kamatayan matapos magkaroon ng bagong polisiya ang Indonesia na ang mga dayuhang nakapiit sa kanilang bansa ay pauwiin sa kanilang bansa para doon na pagdusahan ang kasalanan.

AMNESTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with