^

Bansa

Gretchen ‘bumoto’ na iligpit missing sabungeros - Totoy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Gretchen ‘bumoto’ na iligpit missing sabungeros - Totoy
Nagtungo sa Department of Justice ang mga pamilya ng missing sabu­ngeros para humingi ng hustisya at maresolba ang kaso.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isa ang dating aktres na si Gretchen Barretto sa mga miyembro ng Alpha Group na ‘bumoto’ umano upang iligpit ang mga missing sabungero.

Ito ang bagong pagbubunyag ni Julie Patidongan alyas “Totoy” kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa mga sabu­ngero.

Ani Patidongan, nagsagawa ng meeting ang Alpha Group na pinamumunuan ni Ang hinggil sa gagawing ‘pagwalis’ sa mga sabungero.

Isa umano si ­Barretto sa mga nagtaas ng kanyang kamay na indikasyon na pabor ito sa desisyon ni Ang.

Ang mga dinukot at napatay na mga sabu­ngero ay sangkot daw sa pangti-tiyope.

Ayon kay Patidongan, bahagi raw ito ng isang “cleansing” operation laban sa mga sabungero na umano’y nagsusumbong o nagbebenta ng impormasyon sa mga kalaban ni Ang sa sabungan.

Mariin namang itinanggi ng kampo ni Barretto ang kanyang partisipasyon sa kaso.

May ilang indibiduwal lamang umano na nais siyang kotongan.

Ayon sa legal cousel ni Barretto na si Atty. Alma Malonga, pawang imbento ang mga ibinibintang kay Barretto.

Samantala, ­sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na hawak na nila ang ebidensiya na magdidiin umano kay Ang.

Ayon kay Remulla, ilan dito ang CCTV at USB stick o flash drive na matagal na umanong hawak ni Patidongan.

Batay aniya sa testimonya ni Patido­ngan, isang police ­colonel ang unang may hawak ng USB stick kung saan inutusan siyang ­sirain nang sumi­ngaw na ang isyu.

Maging ang cellphone aniya ni Patidongan ay pinasunog umano ni Ang upang mawala ang mga ebidensiya at ibinili siya ng bago kung saan mamo-monitor siya nito.

SABONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with