^

Bansa

Sabungero at magmamanok ,'nagsabong' sa Comelec

-

MANILA, Philippines - Nagharap sa tangga­pan ng Commission on Elections (Comelec) at mistulang nagsabong ang dalawang grupo ng mga sa­bungero at magmama­nok na kapwa nagnanais na mabigyang akreditas­yon para makalahok sa 2010 party-list elections.

Sa inihaing petition sa Comelec ng Alyansa ng mga Sabungero, hiniling nito na huwag nilang pag­bigyan ang aplikasyon ng isang grupo ng poultry-raisers na Adhikain ng Magma­manok na nais ding maging isang ganap na partylist group.

Sinabi ni Nid Amima, founder ng Alyansa ng mga Sabungero na labag sa batas ang pagnanais ng grupong Adhikain na maka­lahok sa eleksyon dahil ang unang nominado nito upang maging kina­ tawan ay si Manuel “Way Kurat” Za­mora na three term Representative ng First district ng Campos­tela Valley province.

Nilinaw ni Amima na ipinagbabawal sa ilalim ng batas na magsilbi ng mahi­git sa tatlong termino o higit sa siyam na taon ang isang miyembro ng House of Representatives.

Si Way Kurat ay kasapi ng LAKAS-CMD party at unang nahalal bilang kon­gresista nong 2001 at na re-elect noong 2004. Ngayon ay nasa ikatlong termino na siya.

Matatandaan na uma­ni ng batikos ang Alyansa ng mga Sabungero nang maghain ito ng petition for accreditation sa Comelec dahil ayon sa ilang grupo hindi umano maituturing na “marginalized” ang kanilang grupo.

Kabilang ang Adhikain sa 18 grupo na naghain ng petition upang makilala bilang isang ganap na partylist group at maka­sama sa partylist elections sa susunod na taon. (Gemma Garcia/Ludy Bermudo/Mer Layson)

ADHIKAIN

ALYANSA

COMELEC

GEMMA GARCIA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LUDY BERMUDO

MER LAYSON

NID AMIMA

SABUNGERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with