^

Bansa

Bayani tuloy sa pagkandidato

-

MANILA, Philippines - Hindi pa rin natitinag si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando sa pagtuloy ng kandidatura nito sa pagkapangulo sa 2010 kahit hindi eendorso ng Lakas-Kampi-CMD.

Ayon kay Fernando, siya ay “dead serious” sa kandidatura para maging pangulo at naniniwala na siya pa rin ang pipilin ng naturang partido dahil sa isyu ng “Loyalidad” dahil siya ay orihinal na kaanib nito mula pa noong 1992 hindi tulad ni Defense Secretary Gilbert “Gibo”Teodoro.

“I am dead serious about running for presidency. I will run even without party endorsement,” ani Fernando.

Tila nagbanta din si Bayani ng sabihin nitong mag-iisip siya ng kanyang aksiyon sakaling hindi siya ang maging “bet” ng Lakas-CMD at posibleng kakandidato sa ibang partido o bilang independent.

Minaliit din nito ang resulta ng huling survey na na­itala ang mataas na ratings ni Senador Benigno “Noynoy” Aquino III.

“Ang aking track record sa pamamahala ang siyang magpapanalo sa Lakas-Kampi-CMD coalition sa May 2010,” aniya.

Sinabi din nito na hindi dapat umasa si Aquino sa mga nagawa ng mga magulang nito at hinamon na dapat na lumaban ng diretso sa pamamagitan ng sariling gawa. (Danilo Garcia)

AQUINO

AYON

DANILO GARCIA

DEFENSE SECRETARY GILBERT

FERNANDO

LAKAS-KAMPI

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

SENADOR BENIGNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with