^

Bansa

193 preso pinalaya

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa 193 preso na may ibat-ibang kaso mula sa National Bilibid Prison (NBP) ang pinalaya kahapon ng Department of Justice.

Pinangunahan ni Ac­ting­ Justice Secretary Agnes Devanadera, mga opisyal ng DOJ at Bureau of Correction (Bucor) Director Oscar Calderon ang pagpapalaya sa mga bi­langgo bilang bahagi ng mga nakalinyang aktibidad sa ika-112th anniversary celebration ng DOJ. 

Kabilang sa napalaya ang pinakabatang preso na nagdiwang din ng kan­yang ika-22 kaarawan si Johnny Sayre, tubong Oza­mis City na nakulong noong siya ay 15 anyos pa lamang dahil sa kasong droga.

Pinakamatanda na­mang preso na pinalaya si Alfredo Baluyot, 62, tubong Balanga, Bataan na may­roong ka­song estafa.

Ito na ang huling batch ng mga bilanggo na pina­laya ng DOJ bilang pagdi­riwang na rin ng aniber­sayo ng kagawaran. Ti­wala naman si NBI Director Nestor Mantaring na handa na ang mga dating bilanggo na humarap muli sa lipunan dahil sa mga pinagdaanang programa tulad ng Christian values formation at ibat ibang educational courses na inaa­sahang magagamit upang maging produktibo at ma­sunuring mamamayan sa labas ng piitan.(Gemma Garcia/Ludy Bermudo)

ALFREDO BALUYOT

BUREAU OF CORRECTION

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR NESTOR MANTARING

DIRECTOR OSCAR CALDERON

GEMMA GARCIA

JOHNNY SAYRE

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

LUDY BERMUDO

NATIONAL BILIBID PRISON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with