North Harbor Project iimbestigahan
MANILA, Philippines - Itutulak ni Bayan Muna Partylist Rep. Teodoro ‘Teddy’ Casiño sa Mababang Kapulungan ang imbestigasyon sa 25-Year Manila North Harbor Modernization Project na inaasahang ia-award ng Phi lippine Ports Authority (PPA) sa dalawang consortium o kumpanya.
Napagdesisyunan ni Casiño na silipin ang milyones na proyektong imprastraktura ng gobyerno matapos dumulog sa kanya ang ilang mga grupo ng mga manggagawa sa pantalan, mga libu-libong naninirahan dito, pati na ng isang pederasyon ng mga migrant workers kamakailan upang harangin ang nasabing proyekto.
Ayon sa mga grupo, tinututulan nila ang Manila North Harbor Modernization Project dahil ang implementasyon nito ay sasagasa sa kanilang mga karapatan at kabuhayan na hindi kinonsidera sa bidding bukod pa sa malaking posibilidad na ang bidding mismo ng nasabing proyekto ay nababalutan ng anomalya.
Noong Marso 23, 2009, nagsampa na si Rep. Casiño, kasama si Bayan Muna Partylist Rep. Satur C. Ocampo, ng House Resolution No. 1066 upang imbestigahan ang diumano’y maanomalyang bidding ng Manila North Harbor Modernization Project.
Nakatakdang ihain ni Casiño ang kanyang mariing oposisyon sa Manila North Harbor Modernization Project pati na ang mga hakbang na kanyang gagawin upang masegurong maiimbestigahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bidding ng nasabing proyekto. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending