^

Bansa

Evacuees sa Mindanao dinapuan ng AH1N1

-

MANILA, Philippines - Inihayag ng World Health Organization na hindi nakaligtas sa influenza AH1N1 virus ang ilang residente sa Min­ da­nao na pawang inili­kas mula sa kanilang mga tinitirahan dahil sa pag­papatuloy ng laba­nan ng Moro Islamic Liberation Front at ng puwersa ng Pamaha­laan.

Ayon kay Paul Gar­wood, tagapagsalita ng WHO, may mga napapa­ulat nang kaso ng AH1N1 sa mga residenteng apek­tado ng “conflict” at pag­baha sa Mindanao. Ang mga ito ay kanila ngayong kinukumpirma upang agad na magawang ak­siyon.

Hindi rin naman tinu­koy ni Garwood kung ilan ang bilang ng mga indi­bidwal na tinamaan ng AH1N1 sa nasabing rehi­yon.

Gayunman, sinabi sa kabuuan, mayroong 400,000 na mga displaced people ngayon sa Mindanao dahil sa bak­ bakan at sa mga pag­baha.

Sa ngayon ayon kay Garwood, may mga ibi­nibigay nang health services sa mga kampo subalit kulang umano sa staff ang mga ito. (Doris Franche)

AYON

DORIS FRANCHE

GARWOOD

GAYUNMAN

ISLAMIC LIBERATION FRONT

MINDANAO

PAUL GAR

SHY

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with