US Embassy sarado sa Lunes
MANILA, Philippines - Inianunsiyo kahapon ng United States Embassy at sa mga sakop na tanggapan nito sa Pilipinas na sarado sila sa Lunes. Setyembre 7, 2009 bilang paggunita ng US Labor Day.
Sa ipinalabas na media advisory, balik normal ang operasyon nila sa Martes, Setyembre 8.
Nabatid na unang inobserba sa New York noong Setyembre 1882 ang US Labor Day bilang pagkilala sa mga kontribusyon ng kanilang mga manggagawa.
Sa kasaysayan, si US President Grover Cleveland ang lumagda ng lehislasyon o pagsasabatas ng kanilang federal holiday noong 1894.
“Labor union participation in annual parades remains common, while for many Americans the holiday demarks the unofficial end of summer and beginning of the school year,” anang statement. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending