^

Bansa

Mag-utol na Arroyo, pinakakasuhan dahil sa biniling mansion sa US

-

MANILA, Philippines - Dapat umanong kasu­han ng Ombudsman ang sinuman sa dalawang anak na lalaki ni Pangu­long Arroyo na nagsinu­ngaling sa idineklarang statement of assets liabilities and net worth (SALN) matapos mabuking ang pagbili ng multi-milyong mansion sa Amerika.

Sinabi ni Senator Pan­filo ‘Ping’ Lacson, chairman ng senate committee on ways and means, na hindi kailangan pang mag­sagawa ng imbestigasyon ang Senado sa mansion na binili nina Pampanga Cong. Mikey at Camarines Cong. Dato Arroyo dahil maari namang umaksyon dito si Ombudsman Merce­ditas Guttierez.

Ipinunto pa ni Lacson na kung hindi idineklara ng isa sa 2 anak ni Mrs. Arroyo ang $1.32 milyong mansion sa Amerika sa isinumiteng (SAL), ito’y maaring kasuhan ng perjury ng Ombudsman.

Nauna nang ipinunto ni Lacson na hindi lamang sina Mikey at Dato ang kailangang imbistigahan ng Ombudsman kundi ang kanilang mga magu­lang.

Halos sunod-sunod umano ang pagkakabun­yag nang paglaki ng ya­man ng mga miyembro ng pamilya Arroyo sa gitna nang paghihirap ng ban­sa. (Malou Escudero)

AMERIKA

CAMARINES CONG

DATO ARROYO

LACSON

MALOU ESCUDERO

MIKEY

MRS. ARROYO

OMBUDSMAN MERCE

PAMPANGA CONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with