^

Bansa

BOC chief kinasuhan ng bigamya

-

MANILA, Philippines - Hindi na bago ang isyu na maraming asawa ang lala­ king Muslim dahil pinapayagan ito ng batas subalit sa babaeng Muslim, hindi aplikable ito at maaring maharap sa kasong bigamya.

Ito ang iginiit ng Department of Justice (DOJ) sa pagsusulong sa korte ng kasong bigamya laban sa isang hepe o Port Collector ng Bureau of Customs (BOC) matapos mapatunayang nagpakasal sa dalawang lalaki.

Sa resolusyon na nilagdaan ni Acting Justice Secretary Agnes Devanadera, iniutos nito na isampa na sa Iligan Regional Trial Court (RTC) ang kasong bigamy laban kay Port of Subic Collector Marietta Zamoranos.

Tulad ng naunang desisyon ni dating Justice Secretary Raul Gonzalez, may nakitang probable cause laban kay Zamoranos na inihain ng kaniyang ikalawang mister bilang complainant, na si Samson Pacasum Sr., isa ring BOC-Port Collector ng Iligan.

Sa naging resolusyon ng DOJ noong Marso 2006, hindi kinagat ng DOJ ang depensa ni Zamoranos na siya ay isang “Muslim” at ang civil marriage niya sa unang asawa na si Jesus de Guzman noong Hulyo 30, 1982 ay isa lamang ‘ceremonial’ upang pagtibayin ang nauna nilang “Muslim wedding” noong Mayo 3, 1982 at nag-diborsiyo na sila pagsapit ng Disyembre 18, 1983.

Ang kasal naman umano niya kay Pacasum ay naganap noong Dis. 20, 1989 sa sala ni Iligan RTC Judge Valerio Salazar.

Ayon sa DOJ, kahit ‘divorced’ na si Zamoranos sa Mus­lim wedding, ‘binding’ pa rin ang civil marriage niya kay de Guzman noong Hulyo 30, 1982 kaya’t hindi maaring makasal siya sa ibang lalaki.

Naipit din siya sa sariling testimonya na siya ay Muslim convert na taliwas naman sa inihain niya sa korte na hindi siya naging Muslim kailanman. (Ludy Bermudo)

ACTING JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GUZMAN

HULYO

ILIGAN

ILIGAN REGIONAL TRIAL COURT

JUDGE VALERIO SALAZAR

PORT COLLECTOR

ZAMORANOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with