^

Bansa

Sey ng anak ni Cory: 'Susunod na lider ng bansa tulad ng aking ina'

-

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Pinky Aquino-Abellada, anak ni dating Senator Benigno Aquino, Jr. at dating Pa­ ngulong Cory Aquino ang sambayanang Pilipino na tiyakin na katulad ng pag-uugali ng kanyang mga magulang ang pipiliin nilang susunod na lider ng bansa.

Sa isang simpleng wreath-laying ceremony na ginanap kahapon kasabay ng ika-26 death anniversary ni Ninoy sa monument nito sa Bonifacio Drive, Roxas Blvd., sinabi ni Abellada na dapat umanong taglay ng isang kandidatong tatakbo sa pagkapangulo ng bansa ang mga “characteristic” ng kanyang mga magulang.

“Kung meron man na dapat makuhang aral ang mga Pilipino mula sa mga magulang namin, ay ‘yun yung pagmamahalan nila sa isa’t isa. Dahil sa pag­mamahal nila sa bawat isa ay nagresulta ito upang ipagpatuloy ng aking Ina ang adhikain ng aking Ama nung siya ay mamatay,” ani Abellada.

Sinabi pa ni Abellada na mahal ng kanyang mga magulang ang bawa’t Pilipino, kaya dapat na tularan ang ipinakita nilang pagmamahal sa isa’t isa at sa bayan.

Kasabay nito, dakong alas-4 ng hapon nang um­pisahan ng Ninoy Aquino Foundation ang programa para sa paggu­nita sa ka­bayanihan ni Ninoy sa Paseo de Roxas sa Makati City kung saan nakatirik ang rebulto ng bayani.  Inumpisahan ito sa pa­mamagitan ng mga “cultural presentation” at sinun­dan naman ng isang “ecumenical mass” habang nag-alay naman ng bulak­lak ang mga naulila ng mag-asawang Aquino. 

Muli namang narinig ang awiting “Tie a Yellow Ribbon” na sinabayan ng pagsayaw ng mga dumalo sa naturang pagtiti­pon. (Doris Franche/Danilo Garcia)

ABELLADA

CORY AQUINO

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE

MAKATI CITY

NINOY

NINOY AQUINO FOUNDATION

PILIPINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with