^

Bansa

Sa pagtulong sa Sayyaf sa Basilan, MILF mananagot! - AFP

-

MANILA, Philippines -Sasampahan ng kaso ng Armed Forces of the Philippines ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ginawang pagtu­long sa Abu Sayyaf Group sa naganap na engku­wentro nito sa mga sundalo noong Miyerkules sa Brgy. Silangkum, Tipu-Tipo, Ba­silan.

Ayon kay AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr., ihahain ng AFP-Western Mindanao Command sa Joint Coordinating Committee on Cessation of Hostilities (JCCH) ang naturang reklamo matapos na aminin ng liderato ng MILF na 10 sa mga namatay na rebel­de ay miyembro nila bukod pa sa umiiral na SOMO at SOMA sa pagitan ng mga ito.

“Despite na may SOMO (suspension of military ope­rations), na sinagot na­man nila ng SOMA (Suspension of Military Activities) at may tropa silang nakasama sa encounter, ang tanong po ng AFP ay bakit naman su­mama ang MILF,” ani Braw­ner.

Nakiramay at nangako ang pamunuan ng AFP sa mga kaanak ng 23 nasa­wing sundalo na magbibi­gay ng tulong pinansiyal sa mga ito, kasabay ng pag­sasabing itutuloy ang open­siba laban sa ASG.

Samantala, binigyan naman ng full military honors ang 23 nasawing sun­dalo kung saan ito ay dina­luhan nina Defense Sec. Gilberto ‘Gibo “ Teodoro Jr., AFP Chief of Staff Lt. Gen. Victor Ibrado, Phil. Marines Commandant Maj. Gen Juancho Sabban, AFP-Westmincom Chief Maj. Gen. Ben Mohammad Do­lorfino, at Directorate Integrated Police Operation office chief Police Dir. Feli­zardo Serapio.

Pansamantala naman inilagak ang mga kabaong ng mga ito sa Westmincom gymnasium sa Camp Ca­larian, Zamboanga City para basbasan ng military chaplain at saka binigyan ng pagkilala o posthumous award ang mga namatay.

Nakatakda naman dalhin sa Metro Manila ang napatay na 20 Marines sa Bonifacio Naval Station gymnasium para mabigyan din ng parangal.

Samantala, naniniwala si Presidential Adviser on the Peace Process Avelino Razon Jr. na hindi maka­kaapekto sa nakatakdang pagpapatuloy ng peace talks sa MILF ang naganap na engkwentro sa pagitan ng military at Abu Sayyaf.

Sinabi ni Sec. Razon, na­­kikiusap din siya sa li­de­rato ng MILF na disipli­nahin ang mga “rogue”members nito upang hindi makagulo sa nakatakdang pagpapa­tuloy ng peace talks.

Aalamin rin ni Razon sa liderato ng MILF kung bakit sumali ang mga ito sa la­banan gayong may isinu­sulong na peace talks ang pamahalaan sa nasabing rebeldeng grupong Muslim.

Tutulak naman nga­yong araw si Pangulong Glo­ria Arroyo sa Zam­boanga City para magsa­gawa ng command conference kaugnay sa pinaka­huling engkwentro ng military at mga bandido at bibisitahin din ng Pangulo ang mga nasugatang sun­dalo. (Joy Cantos/Rudy Andal)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BEN MOHAMMAD DO

BONIFACIO NAVAL STATION

CAMP CA

CESSATION OF HOSTILITIES

CHIEF OF STAFF LT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with