^

Bansa

Recto, suportado ang planong IPO ng Angkas sa 2027

Pilipino Star Ngayon
Recto, suportado ang planong IPO ng Angkas sa 2027
Executive Secretary Ralph Recto.

MANILA, Philippines — Malugod na tinanggap ni Executive Secretary Ralph Recto ang planong initial public offering (IPO) ng Ang­kas sa 2027, na ma­aaring magbigay ng pagkakataon sa mga biker-partner na maging shareholder ng kum­panyang kanilang tinulu­ngang palaguin.

Sa opisyal na Facebook post ng Office of the Executive Secretary, binigyang-diin ni Recto ang kahalagahan ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga rider.

“Dati, may bahagi kayo sa bawat pasahe. Ngayon, may pagkakataon din kayong magkaroon ng bahagi sa mismong kompanya,” ani Recto.

Kasunod ito ng ceremonial IPO announcement ng Angkas noong Nobyembre 14 sa Solaire, kasabay ng ASEAN Business and Investment Summit.

Dumalo sa pagtitipon sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Recto, ASEAN-BAC Chair Joey Concepcion, at 25 pioneer Angkas biker-partners na nagsilbing mga panauhing pandangal.

Nauna ring nagbahagi ng personal na Facebook post ang First Lady tungkol sa paglalakbay ni Angkas CEO George Royeca at sa mga kabuhayang nalikha ng kumpanya.

Habang papalapit ang ika-10 anibersaryo ng Angkas sa 2027, hangad nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga rider na makibahagi sa patuloy na paglago ng kumpanya.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with