Suporta kay Gibo dumarami
MANILA, Philippines - Patuloy na dumarami ang mga grupo at sektor na sumusuporta sa pagkandidato ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro sa halalang pampanguluhan sa susunod na tao.
Bago pa man siya nanumpa bilang bagong kasapi ng makaadministrasyong Lakas-Kampi-CMD kamakailan, sinalubong siya ng suporta ng mahigit 2,000 lider ng iba’t ibang organisasyon. May 15 non-government organisasyon mula sa maralitang tagalunsod, transportasyon, beterano, mangingisda at magsasaka ang naghayag ng suporta nila sa kalihim.
Nandyan din ang mga kinatawan ng Tarlac, mga kaeskuwela at mag-aaral sa Xavier School, at maging ng Filipino-Muslim Community na pinangungunahan ni Sultan Buzar Masiu Topaan Disomimba, Chairman ng Sixteen Royal Sultanate ng Lanao.
Ayon kay Bert Magdaluyo, presidente ng Alliance of Manila Bay Fisherfolk, marami na silang naririnig na magagandang programang pinaplano ni Teodoro para sa kanilang grupo at ang pinaka nagustuhan nila ay ang programang pang Edukasyon kung saan lahat ng high school graduate ay mabibigyan ng pagkakataong mag apply ng student loan para makapag-aral ng college or vocational course.
Ayon naman kay Tonino Habana, coordinator ng Friends of Gibo, “once and for all, let’s chose the best”. Idinagdag pa nitong si Teodoro ay bar topnotcher at graduate sa Harvard kung saan ang isa sa mga nagturo dito ay ang isa sa pinakamagaling at batikang abogado sa Pilipinas na si Estelito Mendoza. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending