'Bedside mass' hiling ni Cory
MANILA, Philippines - Humiling na ng “bedside mass” si dating pangulong Corazon Aquino kay Fr. Catalino Arevalo matapos na marinig ng una ang liham na ipinadala ng Santo Papa na si Pope Benedict XVII.
Labis na katuwaan ang nadama umano ni Gng. Aquino ng mapakinggan ang sulat ng Papa na dinala at binasa sa kanya ni Ambassador Henrietta de Villa. Itinuloy naman ng isa sa mga apo ng una ang pagbasa ng liham kung saan nakasaad dito na batid ng Santo Papa ang hirap na pinagdaraanan ngayon ng una sa sakt na colon cancer at ang spiritual closeness nito bilang “faithful witness and daughter” ng simbahan.
Bunsod nito’y isang misa sa tabi ng kanyang kama ang isinagawa ka sama ang limang anak nito na kinabibilangan niina Kris, Ma. Elena “Ballsy” Cruz, Victoria Elisa “Viel” Dee, Aurora Corazon “Pinky” Abellada at Sen. Noynoy Aquino at ng ilang apo.
Una ng ipinatawag ni Gng. Aquino ang kanyang mga anak sa kanyang tabi.
Samantala, hiniling naman ng mga supporters ni Gng. Aquino sa pamamagitan ng text message na magtali ng dilaw na ribbon at manalangin para ipakita ang pagsuporta sa dating pangulo.
Ang “Tie a yellow ribbon” campaign ay isang paggunita sa nai-ambag at naging papel ni Cory para mapanumbalik ang demokrasya sa bansa. Ang dilaw na ribbon ay maaaring isabit sa mga bahay, braso, punong kahoy, sasakyan o tanggapan bilang pagpapakita ng simpatiya.
Hunyo 25 ng unang ipinasok sa Makatid Medical Center si Gng. Aquino para maibsan ang sakit nito.
Nabatid naman na sa kasalukuyan ay stable pa rin ang lagay ni Mrs. Aquino, bagamat palagi umano itong tulog dahil sa mga pain reliever na ibinibigay dito.
- Latest
- Trending