^

Bansa

10 Pinoy na nasawi sa Afghanistan kilala na

-

MANILA, Philippines - Kinilala na ng Overseas Workers Welfare Administration ang 10 Pinoy na namatay sa plane crash sa Afghanistan kamaka­lawa.

Ang mga biktima ay sina Marvin Najera, Mano­lito Hornilla, Leopoldo Jimenez, Ely Carino, Rene Taboclaon, Ernesto de Vega, Ricardo Vallejos, Celso Caralde, Noli Vista, at Mark Joseph Mariano.

Sinabi ng OWWA na tatlo sa 10 nabanggit na OFWs ay undocumented. Gayunman, nilinaw ng ahensya na bagaman dokumentado ang pitong Pinoy workers ay illegal ang kanilang pagtatrabaho sa Afghanistan dahil sa pinaiiral na deployment ban ng gobyerno na ipina­tupad noong Disyembre 2007.

Nilinaw pa na dahil sa hindi na aktibong OWWA member, hindi makaka­tang­gap ng P200,000 insurance benefit ang mga nasawing OFWs.

Gayunman, handa ang OWWA na tulungan ang pamilya ng mga biktima sa kanilang repatriation pauwi sa Pilipinas at magbibigay ng livelihood at libreng scholarship sa naiwang mga anak ng mga biktima.

Bukod sa Afghanistan, hindi rin pinapayagan ang mga Filipino workers na magtungo sa Iraq, Lebanon at Nigeria. (Ellen Fernando/Mer Layson)

CELSO CARALDE

ELLEN FERNANDO

ELY CARINO

GAYUNMAN

LEOPOLDO JIMENEZ

MARK JOSEPH MARIANO

MARVIN NAJERA

MER LAYSON

NOLI VISTA

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with