Anti-SONA critic 'nanunuhol' daw
MANILA, Philippines – Tahasang tinanggihan ng pederasyon ng 60,000 non-government organizations na Balikatan People’s Alliance ang alok na pera ng mga kritiko ng pamahalaan para sumama sila sa kilos-protesta laban sa State-of-the-Nation Address ni Pangulong Gloria Arroyo sa susunod na Lunes.
Sinabi ni Balikatan Chairman Louie Balbago na ginawa ang alok sa kanilang mga miyembro sa Parola, Tondo, Manila noong weekend ng mga lalaking kilala nilang miyembro o sumusuporta sa mga maka-kaliwa o maka-Komunistang organisasyon.
Bawat isa anya ay inalok ng P250 at meryenda sumama lang sa rally.
“Agad na tinanggihan ng aking mga miyembro ang alok at pinaalam ito sa akin. At tahasan kong sinasabi ngayon na hindi sasama ang Balikatan sa mga kilos-protesta sa SONA o sa anumang hakbang laban sa Pangulo sa hinaharap,” sabi ni Balbago. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending