^

Bansa

Pinoy guard binugbog ng 3 teenager sa Kuwait

-

MANILA, Philippines - Isang Pinoy security guard ang pinagtulungang bugbugin at batuhin sa ulo ng tatlong Kuwaiti teenager habang naka-duty at binabantayan ang isang grocery center sa bansang Kuwait. 

Sa ulat na nakarating ka­hapon sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), kaagad na­mang naisugod sa paga­mutan at nailigtas mula sa tiyak na kamatayan ang Pinoy na si Lito Bugos.

Naganap ang insidente noong Hulyo 6, dakong alas-10 ng gabi sa grocery store na pinagtatraba­huhan ng biktima.

Sinita umano ni Bugos ang isa sa mga teenager dahil sa paglabas nito sa grocery store matapos na dumaan sa entrance door.

Dahil dito, nagalit uma­no ang isa pang teenager na kasama ng sinita ni Bugos, at sinuntok ang Pinoy.

Umalis umano ang mga suspek ngunit mata­pos ang 20 minuto ay muling bumalik, kaya’t hindi na sila pinayagan pa ng mga guwardiya na ma­kapasok muli sa grocery store.

Lalo umano itong ikina­galit ng mga teenager na naging dahilan ng pagsik­lab ng bagong komosyon at muli umanong pinag­susuntok ng mga suspek ang Pinoy.

Nagawa naman uma­nong awatin ng isang gu­wardiya ang isang suspek, habang ang isa ay nakiki­pagbuno umano sa Pinoy, ngunit hindi nila napansin na dumampot ng bato ang ikatlong suspek at binato si Bugos na tinamaan ng matindi sa ulo.

Nabatid na dalawa la­mang sa mga suspek ang naaresto habang isinugod naman sa pagamutan si Bugos na sumailalim sa craniotomy upang maalis ang namuong dugo sa kanyang ulo.

Sa kasalukuyan ay ti­nutulungan na umano ng Philippine Embassy si Bu­gos sa isinampang kaso nito laban sa mga suspek. (Mer Layson)

BUGOS

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ISANG PINOY

LITO BUGOS

MER LAYSON

PHILIPPINE EMBASSY

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with