^

Bansa

LRTA pinako-contempt

-

MANILA, Philippines - Magkakaaberya sa pagtatapos ng proyektong Light Railway System sa Metro Manila matapos na magsampa ng kasong con­tempt laban sa Light Railway Transit Authority (LRTA) ang may-ari ng 3 ektaryang compound sa Balintawak, Quezon City dahil sa puwersahang pag­papasok umano ng security guards ng ahensya sa nasabing lugar.

Nakasaad sa motion for contempt na inihain ng La Campana Development Corporation (LCDC) sa Regional Trial Court branch 96 na pinasok umano ng mga LRTA personnel ang kanilang compound kasama ang mga armadong guwardiya at ang Santo Tomas Ventures and Development Corporation (STVDC) nitong nakaraang Hulyo 9 sa kabila ng injunction order mula sa korte.

Kabilang sa mga si­nampahan ng contempt charge ang STVDC officials sa pangunguna ni Dan Stephen Palami, LRTA officer Mario Agner at QCPD Criminal Detection Unit officials na kasama umano sa raid.

Ang compound na ma­sasagasaan ng final loop ng railway system ay na-foreclose ng Development Bank of the Phils. ngunit ang pagta-transfer ng titulo sa nasabing bangko ay naka-pending pa sa korte. Sa kabila umano nito ay nagawang ibenta ang pro­perty sa STVDC, na siya na­mang nagparenta sa LRTA.

Nakakuha ng demolition order sa Quezon City government ang STVDC ngunit ang kautusan ay ni-recall matapos matuklasan ng Quezon City building officials ang pending civil case na hinaharap ng pinagtatalunang property. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CRIMINAL DETECTION UNIT

DAN STEPHEN PALAMI

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILS

LA CAMPANA DEVELOPMENT CORPORATION

LIGHT RAILWAY SYSTEM

LIGHT RAILWAY TRANSIT AUTHORITY

MARIO AGNER

METRO MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with