Walang atrasan!
MANILA, Philippines - Wala nang atrasan ang pagsabak ni Jesus Is Lord (JIL) Church leader Bro. Eddie C. Villanueva sa 2010 presidential elections.
Diretsahang sinabi kahapon ni Bishop Leo Alconga, executive committee member ng Bangon Pilipinas Party, na si Bro. Eddie ang ilalaban ng partido bagama’t wala pang pagpapasiya ang huli para sa kanyang kandidatura dahil hinihintay pa umano nito ang go signal ng Diyos na kanyang “Commander-in-Chief.”
Sa kanyang pagbisita kahapon sa tanggapan ng STAR Group of Publications, sinabi ni Bro. Eddie na kinukunsidera niya ang kanyang pagtakbo bilang pangulo kung handa na ang taumbayan para sa tunay na reporma sa bansa.
Inilahad din ni Bro. Eddie na mayroon na silang shortlist ng magiging vice president pero hindi nito binanggit kung kasama sa listahan sina Pampanga Governor Ed Panlilio at El Shaddai leader Bro. Mike Velarde sa mga pagpipilian.
Malapit na rin umanong mabuo ang kanilang senatorial slate na patuloy na pinag-aaralan ng komite ng partido.
Nang tanungin naman si Bro. Eddie tungkol sa serye ng pambobomba sa Mindanao, inihayag nito na politika ang nasa likod nito at umano’y may kinalaman ang gob yerno.
Inihalimbawa nito ang Marcos administration na bago ideklara ng yumaong pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law ay ganito din ang naging senaryo.
Hindi umano kailangan maging matalino ang mamamayan para mabasa ang senaryo na posibleng maulit.
- Latest
- Trending