^

Bansa

Comelec magbabawas ng 350,000 guro sa eleksiyon

-

MANILA, Philippines – Babawasan ng Commission on Elections ng halos kalahati ang bilang ng mga guro na maninil­bihan bilang mga miyem­bro ng board of election inspectors (BEIs) sa taong 2010.

Mula sa dating 750,000 mga guro na nagseser­bisyo tuwing panahon ng elek­ syon, mangangaila­ngan na lamang ang poll body ng 400,000 guro sa automated election, kaya hindi na obligado pang magsilbi sa halalan ang 350,000 sa mga ito.

Ayon kay Comelec Chairman Jose Melo, ang pagbabawas ng mga guro na magsisilbi sa halalan ay resulta nang isasagawa nilang clustering of precincts na bahagi naman ng automation project ng poll body.

Sa pamamagitan ng clustering of precincts, ang dating 250,000 pre­sinto na ginamit noong 2007 elections ay baba­wasan at gagawin na la­mang 80,000 presinto sa 2010.

Bawat isang polling precinct naman ay mag­ka­karoon ng 1,000 bo­tante na kayang-kaya naman uma­nong i-accommodate ng isang precinct count optical scan (PCOS) na gagamitin para sa pag-computerize ng halalan.

Ang resulta ng boto­han ay ita-transmit na sa Comelec electronically kaya’t hindi na kinakaila­ngan pang ibiyahe ng mga guro ang mga ballot bo­xes na kalimitang nag­lalagay sa mga bu­hay ng mga ito sa ala­nga­nin. (Mer Layson)


AYON

BABAWASAN

BAWAT

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

GURO

MER LAYSON

MULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with