^

Bansa

Pinoy utas sa Pakistan

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang Filipino humanitarian worker ang kabi­lang sa 11-kataong nama­tay matapos na pasabu­gin ng mga militante ang hotel na tinutuluyan nito sa Peshawar City, Pakistan noong Martes.

Kinilala ng Department of Foreign Affairs ang Pinoy na nasawi na si Perseveranda So, chief of education ng United Nations Children’s Fund kung saan nagtrabaho ito sa Pakistan mula pa noong 1994.

Si So ay kabilang sa ilang UN humanitarian workers ng UNICEF sa Pakistan na nanunuluyan sa Pearl Continental Hotel na sinalakay at pina­sabog ng mga militante.

Nagpahayag naman si UNICEF Executive Director Ann Veneman ng pakikiramay at kalungku­tan sa pamilya ni So dahil sa ipinakitang dedikasyon sa trabaho sa kabila ng pagiging mapanganib ng sitwasyon nito sa natu­rang bansa ay nagtiyaga itong magturo sa mga kababaihan doon na nais makapag-aral.

Sa ulat na natanggap ng DFA, 11 katao ang kumpirmadong namatay habang 70 ang sugatan at posible pang madagda­gan ang bilang ng mga patay dito matapos na paulanan ng bala ng mga militante ang security post sa gate ng Pearl Continental Hotel habang isang hinihinalang suicide bomber ang naglagay at nagpasabog ng isang truck bomb sa harapan ng lobby ng hotel kaya na­man nabasag ang mga bintana nito.

Ang naturang bomba ay naglalaman umano ng 500 kilo ng pampasabog na katulad sa laki ng truck bomb na ginamit para pa­sabugin ang Marriott Hotel sa Islamabad noong na­karaang taon kung saan namatay ang 55-katao.

Bunsod nito’y, mariing kinondena ng UNICEF ang naturang karahasan.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EXECUTIVE DIRECTOR ANN VENEMAN

ISANG FILIPINO

MARRIOTT HOTEL

PEARL CONTINENTAL HOTEL

PERSEVERANDA SO

PESHAWAR CITY

SHY

SI SO

UNITED NATIONS CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with