Amparo sa aktibista kinatigan
MANILA, Philippines – Kinatigan ng Korte Su prema ang hinihinging writ of amparo ng dinukot na aktibistang Filipino-American na si Melissa Roxas.
Sinabi ni Supreme Court Spokesman Jose Midas Marquez na inatasan na ng Hukuman ang Armed Forces of the Philippines na magpaliwanag sa kaso ni Roxas.
Si Roxas ay miyembro ng United States Chapter ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan na dinukot ng armadong kalalakihan sa La Paz, Tarlac noong Mayo 19 at saka biglang sumulpot matapos ang anim na araw.
Sinabi nito na habang bihag siya ay nakapiring ang kanyang mata habang nakaposas sa loob ng military camp sa Nueva Ecija na posibleng sa Fort Magsaysay na headquarters ng 7th Infantry division na malapit lamang sa La Paz.
Naniniwala si Roxas na ito ay kampo ng militar dahil sa mga naririnig niyang putok ng baril at mga eroplano na dumadating dito.
Pinagbibintangan siya na miyembro ng Communist Party of the Philippines at New Peoples Army.
Matapos ang anim na araw ay pinalaya din ito at binigay ang sim card ng mga dumukot sa kanya upang dito makipag komunikasyon sa kanya. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending