^

Bansa

Amparo sa aktibista kinatigan

-

MANILA, Philippines – Kinatigan ng Korte Su­ prema ang hinihinging writ of amparo ng dinukot na aktibistang Filipino-American na si Melissa Roxas.

Sinabi ni Supreme Court Spokesman Jose Midas Marquez na inatasan na ng Hukuman ang Armed Forces of the Philippines na magpaliwanag sa kaso ni Roxas.

Si Roxas ay miyembro ng United States Chapter ng militanteng grupong Bagong Alyansang Maka­bayan na dinukot ng arma­dong kalalakihan sa La Paz, Tarlac noong Mayo 19 at saka biglang sumulpot matapos ang anim na araw.

Sinabi nito na habang bihag siya ay nakapiring ang kanyang mata habang nakaposas sa loob ng military camp sa Nueva Ecija na posibleng sa Fort Mag­saysay na headquarters ng 7th Infantry division na malapit lamang sa La Paz.

Naniniwala si Roxas na ito ay kampo ng militar dahil sa mga naririnig niyang putok ng baril at mga ero­plano na dumadating dito.

Pinagbibintangan siya na miyembro ng Communist Party of the Philippines at New Peoples Army.

Matapos ang anim na araw ay pinalaya din ito at binigay ang sim card ng mga dumukot sa kanya upang dito makipag ko­mu­ni­kas­yon sa kanya. (Gemma Amargo-Garcia)


ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAGONG ALYANSANG MAKA

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

FORT MAG

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SU

LA PAZ

MELISSA ROXAS

NEW PEOPLES ARMY

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with