^

Bansa

Minorya ng Senado 'di nakakuha ng TRO

-

MANILA, Philippines - Nabigong aksiyunan ng Korte Suprema ang petition ng minority block ng Senado na humihiling na pigilan ang Senate Committee of the Whole na pigilan ang pagsasa­ga­wa ng imbestigasyon la­ban kay Senador Manny Villar.

Sa ipinalabas na en banc resolution ng Supreme Court (SC), inata­san nito ang kampo ni Senate President Juan Ponce Enrile na magsumite ng komento laban sa petition ni Sen. Aquilino Pimentel Jr.

Hang­gang alas-9 la­mang ng umaga sa araw ng Hunyo 2, 2009 dapat maisumite ng kampo ni Enrile ang kanilang ko­mento at hindi na ito pa­lalawigin pa, pag­karaan nito ay saka la­mang de­desisyunan ng mga ma­histrado ang petis­yon ng minority block.

Magugunita na kinu­wes­tiyon sa SC ng minority bloc sa Senado ang ginawang pag-adopt ng Senate committee of the whole sa resolution ng ethics committee na nagsu­sulong ng imbestigasyon sa sinasabing realignment ng pondo sa C-5 road project extension laban kay Villar.

Una nang kinondena ng mga kaalyado ni Villar ang paglilipat ng reklamo na inihain ni Sen. Jamby Madrigal mula sa ethics committee patungo sa committee of the whole sa pamamagitan lamang ng 12 boto.

Ang transfer umano ng reklamo nang walang quorum ay malinaw na pagla­bag sa karapatan ni Villar. (Gemma Garcia/Malou Escudero)

AQUILINO PIMENTEL JR.

GEMMA GARCIA

JAMBY MADRIGAL

KORTE SUPREMA

MALOU ESCUDERO

SENADO

SENADOR MANNY VILLAR

SENATE COMMITTEE OF THE WHOLE

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with