^

Bansa

4 pa nagpositibo sa AH1N1

- Doris Borja, Joy Cantos -

MANILA, Philippines - May apat pang kaso ng AH1N1 virus sa bansa ang kinumpirma kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III na kinabi­bilangan ng dalawang bata at dalawang matan­da.

Ayon kay Duque, ang dalawang bata ay galing sa Hong Kong at United States habang dalawang matanda naman ay naha­wa sa kanilang pagtungo sa Taiwan.

Ang apat na bagong kaso ng influenza ay du­magdag sa dalawa pang kaso na kinabibilangan ng isang 10-year-old na bata na galing sa Amerika at Canada at isang 50-an­yos na balikbayan mula Chicago. Ang mga ito ay magagaling na.

Kasabay nito, nagpo­si­tibo sa nakamamatay na AH1N1 virus ang dala­wang bata na nagmula umano sa Pilipinas pag­da­ting ng mga ito sa Japan matapos na kumpir­mahin ng municipal officials ng Shizuoka City sa naturang bansa.

Sinasabing dumating sa Chubu international airport ang isang 7-taong gulang na batang lalaki at kapatid nitong babae na 4-taong gulang kasama ang kanilang magulang at isa pang kapatid na ba­bae noong Biyernes. Pagsapit ng Lunes ay nilagnat na ang batang lalaki at Martes naman nang lagnatin ang batang babae. Hindi naman tinu­koy ang nationality ng mga ito.

Nang isailalim sa pag­susuri ng mga health experts, nakumpirmang infected na ang mga ito ng AH1N1 virus.

Samantala, aarestu­hin ng pulisya ang sinu­mang tao na nagmula sa ibang bansa na tatang­ging sumailalim sa AH1N1 influenza test sa mga paliparan o pantalan sa Pilipinas.

Ito ang nabatid kaha­pon kay Sr. Supt. Francisco Altarejos, Deputy Chief ng PNP Health Services, na nagsabing na­ka­alerto na ang lahat ng mga pulis na nakatalaga sa mga paliparan at pan­talan para tulungan ang Department of Health sa pagpapatupad ng panun­tunan na ipinatutupad bilang pag-iingat laban sa naturang virus. 

Sino mang indibidwal na nanggaling sa mga bansang pinagmulan ng AH1N1 virus ay agad na isinasailalim sa thermal scanning pagdating nila sa Pilipinas.

Sinabi ni Altarejos na sa sandaling merong pu­malag o manlaban sa quarantine procedure, sila mismo ang aaresto at magdadala sa ospital ng naturang mga indibidwal na pinaghihinalaang apek­tado ng naturang karam­daman na sinasabing ga­ling sa baboy.

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPUTY CHIEF

FRANCISCO ALTAREJOS

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

HEALTH SERVICES

HONG KONG

PILIPINAS

SHIZUOKA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with