^

Bansa

Media nag-ocular inspection sa C-5

-

MANILA, Philippines - Ilang miyembro ng media mula sa iba’t ibang pahayagan, radyo at tele­bisyon ang bumaybay sa kahabaan ng kontro­ber­syal na C-5 road extension pro­ jecty upang lina­win kung totoo ang mga paratang na katiwalian laban kay Sen. Manuel Villar, Jr.

Sinabi ni Villar na uma­asa siya na nakita ng mga miyembro ng media na ang mga ibinibintang sa kanya ng kanyang mga kalaban sa Senado ay pawang kasinunga­lingan.

Nauna rito, sinabi ni Villar na may kulay poli­tika ang mga bintang sa kanya dahil pulos mga presiden­tiables na Sena­dor ang tumitira sa kanya.

Mula Coastal Road (Road 1) patungong Ca­vite, binabaybay ng media ang kahabaan ng naturang extension pro­ject mula sa ikalawang flyover sa natu­rang lugar (coastal road) na siyang paglalaanan sana ng P200 milyon sa 2008 national budget hanggang C-5 proper.

Nakita rin ng mga reporters ang unang flyover sa kahabaan ng Sucat Road sa Parañaque na tumagos sa SM Sucat mula sa Las Piñas pa­tungong South Luzon Expressway na dadaan na­man sa Multi-National Village.

Sa panayam, sinabi ni Villar na gagamitin ang ikalawang P200 milyon na inilaan sa naturang pro­yekto upang magtayo ng flyover sa coastal road pa­tungong Cavite mula C-5.

“Dito (coastal road) ang unang flyover-da­lawa ta­laga ang P200 milyong nakasaad sa badyet, hindi double entry kasi gagamitin ang unang P200 milyon para sa fly­over sa Sucat Road at dito (coastal road) ang pangalawang P200 mil­yon,” ayon kay Villar.

Sinabi pa ni Villar na umabot lamang sa 5% hanggang 7%  ng ari-arian ng kanyang kom­pan­yang Adelfa Properties Inc., na siyang may-ari ng Golden Hayven Memorial Park ang naga­mit at nabayaran alin­su­nod sa itinakda ng batas hinggil sa zonal value.

Ipinaliwanag pa ni Villar na kung hindi pina­yagan ng kanyang kom­panya na dumaan ang extension road project sa lupain nito, wawasakin ng proyekto ang daan-daang kaba­ha­yan sa naturang lugar. (Malou Escudero)

vuukle comment

ADELFA PROPERTIES INC

GOLDEN HAYVEN MEMORIAL PARK

LAS PI

MALOU ESCUDERO

MANUEL VILLAR

MULA COASTAL ROAD

ROAD

SHY

SUCAT ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with