Binabantayan ng DOH: 3 bagong kaso ng AH1N1
MANILA, Philippines - Tatlo katao pa ang na dagdag sa talaan ng indibiduwal na inoobserbahan ngayon ng Department of Health (DOH), makaraang makakita ng “swine flu-like symptoms”.
Gayunman, sinabi ni Health Undersecretary Mario Villaverde na nananatiling wala pang nakakapasok na AH1N1 virus sa Pilipinas.
Ang tatlo na pawang Pinoy ay nagbiyahe umano sa mga bansang apektado na ng virus kaya’t isinailalim sila sa obserbasyon at kinunan ng samples ng DOH.
Bunsod ng pagkakadagdag sa tatlo, umabot na sa 20 katao ang ka nilang naimbestigahan sa naturang sakit simula nang pumasok ang buwan ng Mayo. Sa nasabing bilang, 15 na umano ang nag-negatibo sa sakit at pinayagan nang makauwi ang mga ito.Nananatili namang inoobserbahan ang limang iba pa sa iba’t ibang pagamutan sa bansa, kasama na ang tat long balikbayan na nagmula sa US, Hong Kong at Mexico.
Samantala, itinanggi naman ni Health Secretary Francisco Duque na may isang pasyente sa isang ospital sa Maynila ang nagpositibo sa AH1N1 virus.
Samantala, kinumpirma kahapon ng World Health Organization na umabot na sa 53 katao ang kumpir madong nasawi dahil sa AH1N1 sa may apat na bansa.
Ang Mexico, na siyang epicenter ng sakit, ang may pinakamataas na bilang ng mga nasawi sa bilang na 48.
Umabot naman sa tatlo ang mga nasawi sa US, matapos na maka pagtala ng isang lalaki na nasawi sa Washington noong Sabado at nananatiling isa sa Canada.
Iniulat naman ng Costa Rica na isang lalaki ang kumpirmadong nasawi sa naturang sakit sa kanilang bansa, ang kauna-unahang sa labas ng North America.
Umaabot naman sa 29 na bansa ang kumpirmadong napasok na ng nakamamatay na sakit.
- Latest
- Trending