Presyo ng langis ibinaba
MANILA, Philippines – Bunga ng kaliwa’t ka nang batikos, napilitan nang magtapyas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang ilang kompaniya ng langis simula kagabi.
Alas-6:00 ng gabi nang ipatupad ang P1 rollback ng kompaniyang Pilipinas Shell sa presyo sa kada-litro ng kanilang kerosene, diesel at gasolina.
Ayon kay Shell vice pre sident for communications Roberto Kanapi, ang nasabing rollback ay ikinasa ng kanilang kompanya bunga na rin ng patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Matapos naman ang ginawang pag-anunsiyo ng Shell, agad namang sinun dan ito ng independent player na Seaoil. Ayon kay Seaoil spokesman Rey Jimenez, P1 rin ang kanilang ipinataw na rollback sa kada-litro ng kanilang produktong diesel, gasolina at kerosene.
Samantala, inatasan kahapon ni Manila Regional Trial Court Judge Silvino Pampilo Jr. ang Bureau of Internal Revenue at ang Commission on Audit na pabuksan at silipin ang book of accounts ng Pilipinas Shell, Caltex Philippines at Petron Corporation para maimbestigahan kung bakit nagtataas ng presyo ng langis ang naturang mga kumpanya.
Kaugnay ito ng petisyon ng Social Justice Society na humiling na buksan ang libro ng mga naturang kumpanya ng langis para tingnan kung totoong nalulugi o nagsasamantala lamang ang mga ito sa presyo. (Rose Tesoro at Doris Franche)
- Latest
- Trending