Mainit sa Semana Santa
MANILA, Philippines - Ayon kay Nathaniel Cruz ng weather branch ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, mainit ang panahon ng Semana Santa dahil sa easterly wave na galing sa Pasipiko.
May paminsan minsang ulan naman sa hilagang Luzon at silangang bahagi ng bansa dahil sa cold front
Wala naman anyang sama ng panahon na papasok sa bansa hanggang sa pagtatapos ng linggong kasalukuyan.
Sinabi pa ni Cruz na tanging cold front lamang ang nagdudulot ng kaulapan sa dulong Northern Luzon habang easterly wave naman ang umiiral sa Mindanao.
Ang temperatura sa Metro Manila ay naglalaro sa 23-35 antas ng sentigrado samantalang sa Baguio City ay magkakaroon ng 16-23 antas ng sentigrado.
Ang Iloilo at Cebu naman sa Visayas ay makakaranas ng 23-33 antas ng sentigrado habang ang Cagayan de Oro, Davao at Zamboanga ay magiging maulan pa rin at ang temperatura ay mula 20-32 antas ng sentigrado. (Angie Dela Cruz)
- Latest
- Trending