^

Bansa

Chinese business executive unang nabigyan ng job visa ng Bureau of Immigration

-

MANILA, Philippines - Isang Chinese investor at executive ng isang power transmission firm na nag-o-operate sa Pilipinas ang unang tumanggap ng indefinite “job generation” visa na ibinibigay ng Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang may 10 o higit pang Pilipinong mang­gagawa.

Kinilala ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang negosyan­teng Tsino na si Ruan Qiantu, isang miyembro ng board of director at chief technical officer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon kay Libanan, ang NGCP, kung saan may bahagi ang Hongkong-based na State Grid Hong­kong Ltd., ay may 5,000 full-time at regular Pinoy workers.

Sinabi ni Libanan na ang NGCP ay rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) at nagpa­ patakbo ng nationwide power transmission grid sa bansa.

Inaprubahan naman ni BI Associate Commissioner Roy Almoro ang pagbibigay ng special visa for employment generation (SVEG) kay Ruan dahil ito ang unang aplikante na nakatupad sa mga hinihi­nging requirements para sa visa.

Ayon naman kay Atty. Cris Villalobos, BI legal officer na namumuno sa bagong-tatag na one-stop shop center para sa SVEG, ang visa ay itinatak na sa pasaporte ni Ruan noong Biyernes at sa pa­reho ring araw, ay binigyan ng sertipikasyon ni Liba­nan at isang ACR I-Card ng BI alien registration division. (Butch Quejada)

ASSOCIATE COMMISSIONER ROY ALMORO

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CRIS VILLALOBOS

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

ISANG CHINESE

LIBANAN

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

RUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with