^

Bansa

Lacaba muntik pugutan

- Joy Cantos, Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Una sanang pupugu­tan ng ulo ang pinalayang Pinay engineer na si Marie Jean Lacaba ngunit dahil sa ka­ baitan ng biktima ay pina­laya na lang ito ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Ito ang ibinulgar ni Sulu Vice Governor Lady Ann Sahidula matapos na pa­layain ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Alba­der Parad si Lacaba nitong Huwebes ng gabi. 

Sinabi ni Sahidula sa salaysay mismo sa kanya ni Lacaba, ala-una ng hapon noong Marso 31, ang araw na nagbigay ng ultimatum sa militar ang Abu Sayyaf ay ini­handa na siyang pugutan ng ulo ng mga bandido. Tinaluk­bu­ngan siya ng itim na tela sa mukha habang naka­ga­­pos ang mga ka­may.

“Siya pala ang pupu­gutan ng ulo kung nang­yari yun pero siguro din dahil sa panalangin din nating lahat at nagbago ang kani­lang isip at siguro din dahil nakita nilang mabait si Jean La­caba, di na nila itinuloy,’ ani Sahi­dula na siyang su­mundo kay La­caba kasama ang iba pang emisaryo sa kuta ng mga kidnappers.

Isang matalim na kris rin umano na hinasa pa ng mga berdugo ang ini­handa habang iwinawa­gayway ang itim na wa­tawat saka pinalibutan si Lacaba ng mga bandido habang hini­hintay ang alas -2 ng ha­pon na ultimatum.

Sa kultura ng Islamic extremist ang pagtataluk­bong ng kulay itim na mas­kara o anumang tela sa mukha ang hudyat ng pagpugot ng ulo ng mga ban­dido lalo pa at iwi­na­gay­way na ng mga ito ang kanilang ban­dilang kulay itim na may marka ring puti.

Sa hindi mala­mang dahilan ay hindi na iti­nuloy ng mga ban­dido ang pa­­mumu­got.

Nani­niwala na­man sina Interior and Local Government Secretary Ro­naldo Puno at Defense Secretary Gil­ber­to Teodoro na gu­ma­wa ng ‘di­vine intervention ‘ ang kapangyari­han ng dasal kaya hindi natuloy ang pamumugot ng ulo kay Lacaba.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Puno na malaki rin ang naitulong nina Sahidula at ng buong ICRC Crisis Committee na pinamumu­nuan ni Sulu Governor Abdusakur Tan para hili­ngin sa mga bandido ang pag­papalaya kay Lacaba ng walang ka­palit na ransom demand.

Ayon kay Puno, hindi na mahalaga para kay La­caba kung dumanas man sila ng matinding gutom sa kamay ng mga bandido basta’t ang mahalaga ay nakalaya na ito.

Bandang alas-9 ng gabi kamakalawa ng dal­hin si Lacaba sa himpilan ng 3rd Marine Brigade sa Busbus, Jolo, Sulu kung saan isi­na­ilalim ito sa medical check­ up.

Notter, Vagni susunod na lalaya

Inaasahan na susunod nang mapapalaya ang dalawa pang hostages na sina Swiss national An­dreas Notter at Eugenio Vagni.

Ito ang kum­piyan­sang tinuran nina Puno at Teo­doro matapos pa­kawalan si Lacaba.

Pinawi rin ni Puno ang mga pangam­ba na suga­tan si Notter matapos itong barilin nang mag­tangkang tuma­kas dahil nata­kot sa pugot ulo na nauna nang kumalat sa mga text messages sa Sulu.

Iginiit din ka­hapon ng Mala­cañang na hindi na dapat ung­katin kung pina­laya o nasagip ang bihag na si Lacaba.

Sinabi ni Press Sec­retary Cerge Re­monde, ang mahalaga ay ligtas na nakalaya si Lacaba mula sa kamay ng ASG.

Tumanggi si Sec. Re­monde na kumpirmahin sa mga mamamahayag kung si Lacaba ay pinalaya ng kanyang mga kidnappers o nakaligtas sa isang rescue operations ng gobyerno.

Ayon kay Remonde, hindi na daw dapat busisiin ang detalye dahil nagsa­sagawa pa ng effort ang pamahalaan upang maka­laya na rin ang 2 pang mi­yembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na sina Vag­ni at Notter.

Samantala, nagkausap na sina Pangulong Arroyo at Lacaba kahapon ng umaga sa telepono.

Ayon kay Pangulong Arroyo, sinabi ni Lacaba sa kanilang pag-uusap na dapat lamang bigyan ng credit sa kanyang paglaya ang PNP, local crisis management committee, DILG, DND at Philippine National Red Cross dahil sa mata­gumpay na negosasyon.

Nanawagan naman ang Malacañang sa taum­bayan na ipagpatuloy ang pagdarasal upang mapa­laya pa ang 2 natitirang bihag. Umaasa ang Pa­lasyo na mapapalaya ang mga ito ngayong Semana Santa.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER ALBA

AYON

CAMP CRAME

LACABA

NOTTER

PANGULONG ARROYO

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with