^

Bansa

NLEX-SLEX road project lilikha ng 107,000 trabaho

-

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki kahapon ni Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) president Manuel V. Pangilinan kay Pangulong Arroyo na makakalikha ng 107,000 trabaho ang 5-taong kons­truksyon ng North Luzon Expressway-South Luzon Expressway connector road project.

Pinangunahan ni Pa­ngulong Arroyo ang ground­breaking ng segment 8.1 project ng NLEX Phase 2 sa Ugong, Valen­zuela City.

Ayon kay Mr. Pangi­linan, ang segment 8.1 project ay gagastusan ng P2.1 bilyon, habang ang seg­ment 9 at 10 naman ay popondohan ng P10 bilyon samantalang ang NLEX-SLEX connector road na­man ay P16 bilyon at ang Skyway 2 naman ay ma­higit P10 bilyon na may­roong kabuuang P38 bilyon.

Ipinaliwanag pa ni Pangilinan kay PGMA na mapapabilis na ang travel mula sa Northern Metro Manila patungo sa Southern part ng Metro Manila at Southern Luzon sa san­daling matapos ang nasa­bing proyekto.

Dumalo din sa ground­breaking ceremony sina Caloocan Mayor Recom Echiverri, Valenzuela Mayor Sherwin Gatcha­lian, Valen­zuela Rep. Rex Gat­chalian, Valenzuela Rep. Maggi Gunigundo at iba pang opisyal ng national government. (Rudy Andal)

CALOOCAN MAYOR RECOM ECHIVERRI

MAGGI GUNIGUNDO

MANUEL V

METRO MANILA

METRO PACIFIC TOLLWAYS CORPORATION

MR. PANGI

NORTH LUZON EXPRESSWAY-SOUTH LUZON EXPRESSWAY

NORTHERN METRO MANILA

PANGILINAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with