5 mahihirap na estudyante bagong iskolar ni First Gentleman
MANILA, Philippines - Limang mahihirap ngunit matatalinong estudyante ng medisina ang tiyak nang makakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral matapos mapili bilang mga bagong iskolar ng First Gentleman Foundation Inc. Bagong Doktor Para sa Bayan.
Ang lima na mag-aaral mula sa West Visayas State University (WSVU) ay kinilalang sina Rowena Alcido, Christine Rio Bistis, Norie Grace Omamalin, Ana Lor-Sha Villaber at Lotgrada Tayao. SIla’y pawang mga papasok na fourth year medical student, hindi lamang dahil sa kanilang talino kundi sa kanila na ring mainit na kagustuhang makatulong sa mga may-sakit.
Makakasama nina Alcido, Bistis, Ommalin, Villaber at Tayao, ang 35 iba pang mga iskolar ng Batch 4 mula sa University of the Philippines (UP) at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). (Butch Quejada)
- Latest
- Trending