Guilty hatol sa abogada na nagkanlong kay Faeldon
MANILA, Philippines - Hinatulan ng guilty ng AFP-General Court Martial (GCM) si Atty. Candelaria Rivas dahil sa pagkakanlong at pakikipagrelasyon sa wanted na si Magdalo leader Captain Nicanor Faeldon.
Ayon kay Col. Florentino Manalasta, President ng GCM, sa botong 2/3 ng mga miyembro ng military prosecutors, hinatulang madismis sa serbisyo si Rivas matapos ang secret balloting kahapon.
Si Rivas ay napatunayang lumabag sa Articles of War (AW) 96 unbecoming an officer matapos makipagrelasyon kay Faeldon, may patong sa ulong P1M na kinanlong nito.
Si Rivas ay sinasabing nagkaroon ng relasyon sa isa sa lider ng Magdalo na si Faeldon na hanggang ngayon ay pinaghahanap ng batas matapos na makatakas sa ikalawang pagkakataon sa Manila Peninsula siege sa Makati City noong Nobyembre 29, 2007.
Kabilang rin si Faeldon sa grupo ni dating Navy Lt. Senior Grade at ngayon ay Sen. Antonio Trillanes IV sa mga su makop sa Oakwood Premiere Hotel sa Makati City noong Hulyo 27, 2003 o ang bigong kudeta laban sa gobyerno.
Unang tumakas si Faeldon noong Disyembre 14, 2005 at nasakote sa bahay ni Rivas ng sumunod na buwan noong 2006 sa Brgy. Tugatog, Malabon City.
Inihayag naman ni Atty. Danielo Jimenez, legal counsel ni Rivas na hindi nila iaapela ang kaso. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending