BIR commissioner sinibak!
MANILA, Philippines - Sinibak ng Office of the Ombudsman sa pwesto si Bureau of Internal Revenue (BIR) Deputy Commissioner Danilo Duncano matapos umanong mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct at dishonesty.
Sa 22-pahinang desisyon ni Ombudsman Merceditas Gutierrez, bukod sa pagkasibak ay hindi pinapayagan si Duncano na makuha ang kanyang retirement benefits, di na rin pinapayagan na makapagtrabaho sa anumang tanggapan ng gobyerno at pagbawi ng Sandiganbayan sa kanyang mga ari-arian tulad ng tatlong magagarang sasakyan ng kanyang mga anak.
Sa record ng korte, si Duncano ay inireklamo ni Atty. Maria Olivia Elena Roxas, hepe ng Legal Monitoring and Prosecution Bureau of Fact-finding Investigation Bureau (FFIB) ng ang una ay director II ng BIR-Quezon City.
Si Duncano umano ang bumili ng tatlong magagarang sasakyan ng kanyang mga anak dahil wala naman trabaho ang mga ito at walang kakayanan na makabili ng sasakyan. Una na din inamin ni Duncano na sa kanyang sweldo na P250,000 sa loob ng isang taon ay hindi niya kayang bumili ng nasabing mga sasakyan para sa mga anak.
Isasampa din laban kay Duncano sa Sandiganbayan ang tatlong ulit na kaso ng falsification of public documents dahil sa pamemeke umano nito ng kanyang Statement of Assets and Liabilities and Networth para sa taong 2000-2002. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending