^

Bansa

National Printing Office nagpasaklolo sa Palasyo

-

MANILA, Philippines - Nanawagan sa Mala­cañang ang mga security printers ng National Printing Office na dapat mag­karoon muna ng konsul­tasyon sa mga stakeholders nito upang matiyak na hindi magagamit sa ko­rupsiyon ang mga accountable forms na ini-imprenta dito.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 04-09 na ipinalabas ni NPO-Officer-in-Charge Director Dionisia Valbuena, may kapangyarihan ang kan­yang tanggapan na mag­pakontrata sa mga security printers batay sa section 27 ng Republic Act 9401.

Ayon sa mga emple­yado, mas malapit umano sa korapsiyon kung sa­kaling totoo ang ipina­labas na balitang nagla­bas ng legal opinion si dating Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Manuel Gaite na puwede nang hindi magpa-sub contract biddings ang NPO.

Anila, mas magiging madali ang korupsiyon kung ang mga accountable forms ay wala na sa kontrol ng NPO.

Kasabay nito, pina­ratangan ni Valbuena ang Ready Form Inc., na siyang nagpapakalat ng balitang walang huris­diksiyon at control ang NPO sa anumang printing jobs sa mga ahensiya ng pamahalaan.

ANILA

DEPUTY EXECUTIVE SECRETARY

DIRECTOR DIONISIA VALBUENA

LEGAL AFFAIRS MANUEL GAITE

MEMORANDUM CIRCULAR NO

NATIONAL PRINTING OFFICE

READY FORM INC

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with